::WELCOME TO TECHNOLOGY AND LIVELIHOOD DEVELOPMENT CENTER::


    MGA KABUTIHAN NG PAGNENEGOSYO

    Share
    avatar
    Encanto
    Admin

    Posts : 9
    Join date : 2009-02-03
    Age : 38
    Location : Daet, Camarines Norte, Philippines

    MGA KABUTIHAN NG PAGNENEGOSYO

    Post  Encanto on Sat Feb 14, 2009 12:40 pm

    MAAARI KANG KUMITA NG MALAKI
    Walang limitasyon ang maaari mong kitain kung mayroon kang sariling negosyo. Depende ‘yun sa panahon at pagsisikap na ibibigay mo sa iyong negosyo. Pwede kang yumaman kung ikaw ay masipag at matiyaga, ay kung mayroon kang tamang produkto sa tamang lugar at sa tamang panahon.

    IKAW NA MISMO ANG SARILING AMO
    Dahil ikaw ang namamahala sa sarili mong negosyo, ikaw rin ang gumagawa ng mga desisyon at mananagot dito. Kaya lang, kikita o malulugi ka depende kung tama o mali and iyong desisyon. Di nga kasi, bilang amo, ikaw na mismo ang magbibigay direksiyon sa iyong negosyo. Higit mo kasing alam kung ano ang gusto mong marating.

    MAY PAGKAKATAON KANG MAGING MALIKHAIN
    Alam mo bang ang isang negosyo ay kadalasang galling sa pagiging malikhain o creative ideya? Kung mayroon kang mga malikhaing ideya, maisasakatuparan mo ang mga ito sa pamamagitan ng iyong mga produkto at pamamahala sa negosyo.

    MATUTUPAD MO ANG IYONG HANGARIN
    Ang makapagsimula ka ng sariling negosyo ay maituturing nang isang tagumpay. Mahirap kasi ito. Ngunit ang paghawak mo sa negosyo ay talagang susubok sa kakayahan mo sa pamamahala. Ngayon, depende na sa kakayahan mo kung matutupad ang iyong mga hanagarin sa iyong negosyo.

    MAKAKATULONG KA SA KAPWA
    Natural lamang na kukuha ka ng empleyado. Ang pasahod mo sa kanila ay makatutulong sa pag-angat ng kanilang buhay. At habang lumalago ang iyong negosyo, natutulungan mo rin ang mga supplier, kontratista, at sa iba pang may kaugnayan sa iyong negosyo.

    MAKAPAGBIBIGAY KA NG NATATANGING PAMANA SA PAMILYA
    Maaari mong ipamana sa iyong mga mahal sa buhay ang iyong negosyo. Magandang pamana ito. Katangi-tangi. Unang-una, makapagnbibigay ito ng matatag na hanapbuhay sa ilan sa kanila. Pangalawa, matutunan din nila ang buhay at pananaw ng pagiging entreprenor na pwede rin nilang isalin sa mga susunod na henerasyon.

      Current date/time is Sun Nov 19, 2017 4:22 pm